P20-M libel suit ng Mega Pacific
August 2, 2006 | 12:00am
Nagsampa ng P20 milyong pisong libel suit ang Mega Pacific consortium laban sa director ng Information Technology Foundation of the Philippines (ITFP) dahil sa maling akusasyon nito sa Makati City Prosecutors Office.
Ayon kay Willy Yu, kinatawan ng Mega Pacific, siniraan at labis na inalipusta ni Augusto Lagman, director ng ITFP, ang kanilang kompanya ng magpa-interview ito sa isang malaking radio station at sinabing kuwestyonable ang kahusayan ng kanilang automated counting machines (ACM) na ipinagbili nila sa Commission on Election (Comelec).
Sinabi pa umano ni Lagman na karapat-dapat lamang na mabalewala talaga ang kontrata dahil naibigay na umano ito sa Mega Pacific bago pa man lumusot sa kinakailangang evaluation test ng Department of Science and Technology (DoST).
Inihayag naman ni Yu na inililigaw lamang ni Lagman ang publiko sa katotohanan dahil sinertipikahan na ng DoST ang kanilang ACMs na mas mataas pa sa accuracy rating na 99.9 percent na itinakda ng Comelec. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest