Ayon kay RCBC Senior Vice President at Asset Management Group Head Adeline Carbonell, ang mga naturang auctions ay kabilang sa stratehiya ng banko upang ma-liquidate ang kanilang inventory ng real and other properties acquire (ROPAs). Ang iba pang asset disposal schemes ay ang public sealed bidding, SPVs at joint venture arrangements.
Umabot sa P40M na properties ang nabenta ng RCBC sa ginanap na unang auction noong Mayo at dumami ang benta sa gitna ng patuloy na katanungan mula sa interesadong bumili.
Sa ikalawang auction, inaasahan ng RCBC na makakuha ng mas madaming buyers dahil sa bilang at mas magandang properties na ihahandog. Karamihan sa mga properties ay residential lots sa Quezon City, Makati City, Parañaque City, Muntinlupa City at sub-urban areas ng Cavite.
Ang mga naturang auctions ay kabilang sa serye ng auctions upang maging performing revenue-generating ang mga ito. Ang malilikom na kabuuan ay inaasahang aabot ng P400M para sa taong 2006.
Ang mga susunod na auction para sa taong 2006 ay gaganapin sa ibat ibang lugar sa ating bansa at ito ay ang mga sumusunod: Bulacan at Tarlac (September); Nueva Ecija at Bacolod (October); Mindanao (November at Metro Manila (December). Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa RCBC Asset Management Group sa 894-9908.