Bishop Tobias hiniling huwag nang makialam
August 1, 2006 | 12:00am
Hinimok ni Negros Occidental Rep. Iggy Arroyo si Bishop Antonio Tobias na huwag nang makihalo sa gulo sa pulitika at huwag magpagamit sa grupong naghahangad ng kapangyarihan.
Sinabi ni Rep. Arroyo, hindi isang eksperto sa ekonomiya at pulitika si Bishop Tobias upang batikusin ang SONA ni Pangulong Arroyo.
Hiniling din ng mambabatas sa Obispo na ilantad nito sa publiko ang bumubuo sa sinasabi nitong Kilusang Makabansang Ekonomiya tulad ng ginawa niyang pag-amin sa pagkupkop nito sa mga rebeldeng miyembro ng Magdalo group.
Kung hindi ito magagawa ng Obispo ay mabuting manahimik na lamang siya sa Simbahan at huwag ng makialam sa pulitika.
Binatikos din ni Davao del Sur Rep. Douglas Cagas si Bishop Tobias dahil ginamit nito ang banal na misa sa Simbahan para ihayag ang kanyang saloobin sa nakaraang SONA ni Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Rep. Cagas, hindi dapat ginagamit ng isang opisyal ng Simbahan ang pulpito para atakihin ang Pangulo ng bansa. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended