^

Bansa

5,000 pamilya sa Bicol tinulungan ng Legacy Group of Companies

-
Tagumpay ang isinagawang pamimigay ng relief goods ni Celso "Boy" Delos Angeles, chairman ng Legacy Group of Companies, sa may 5,000 pamilyang naapektuhan ng pag-aalboroto ng Mt. Mayon sa lalawigan ng Bicol.

Sinabi ni Delos Angeles na sa panahong ito na may kakulangan sa pondo ang pamahalaan na dapat magkaroon ng private initiative lalo na ang malalaking negosyante para tumulong sa mga nangangailangan sa bansa.

"In the face of meager government resources, the private sector should pitch in their contributions in any kind, kasi hindi lahat puwedeng iasa sa gobyerno at ang dapat maunang tumulong sa mga Pilipinong nagdarahop o mga biktima ng kalamidad ay tayong mga Pilipino din," pahayag ni Delos Angeles, isang successful na businessman at management expert na may negosyo sa mga industriya ng banking at pre-need.

Kamakailan ay kinansela ni Delos Angeles ang kanya-kanyang birthday celebration na naka-iskedyul sana sa Agosto 6 para gamitin ang pondong nakalaan dito na itulong na lamang sa mga naapektuhang komunidad ng Mt. Mayon partikular na sa Munisipalidad ng Sto. Domingo na sakop ng 6-kilometer radius permanent danger zone.

Minarapat ni Delos Angeles na kanselahin ang taunang selebrasyon nang mabalitaan niya aniya ang kaawa-awang sitwasyon ng mga residente sa kanyang hometown sa Munisipalidad ng Sto. Domingo na imbes gawan ng paraan ng alkalde nitong mailayo sa kapahamakan ay isinuko pa sa nakaambag panganib na maaaring pagsabog ng bulkan. Kamakailan ay napabalitang nawala umano ang pondo para sa evacuees ng Mayon.

Inanunsyo ng Philvocs na nasa Alert Level 3 na ang mga areas na nakapaligid sa bulkan ng Mayon. Nasaksihan na ding bumuga ng ash fall at lumuwa ng lava ang bulkan na umaabot na ng 9,500 tonelada mula 4,000 tonelada na dumaloy na rin sa ilang barangay.

Ilang residente na rin ang naireport na nagkasakit ng respiratory-related illness dahil sa ash fall. May 421 pagyanig ng bulkan sa loob ng 24-oras ang naitala kasunod ang pagbuga ng mga nagbabagang bato. Ayon sa Philvocs, maaaring hindi matapos ang Agosto ay sumabog na ito.

AGOSTO

ALERT LEVEL

DELOS ANGELES

DOMINGO

KAMAKAILAN

LEGACY GROUP OF COMPANIES

MAYON

MT. MAYON

MUNISIPALIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with