DOTC Asec inakusahan ng pamemeke
July 31, 2006 | 12:00am
Inakusahan ng ilang kawani ng Department of Transportation and Communications (DOTC) si Assistant Secretary Noel Cruz ng pamemeke sa official communique ng ahensiya matapos mabuking na ang inisyuhan nito ng certification of employment para makapag-abroad gamit ang intelligence fund ng DOTC ay hindi empleyado nito.
Batay sa reklamo, naisahan ang United States embassy dahil mabilis na nakapag-isyu ito ng visa sa isang nagngangalang Maria Waneza C. Dy matapos mapaniwala na ang huli ay isang empleyado ng DOTC at papuntang US para sa isang official travel visit ng ahensiya.
Ayon sa grupong nagpakilalang DOTC- Employees Association Renegades (DOTC-EAR), bukod sa pag-isyu ng sertipikasyon, binigyan din si Dy ng $2,226 pocket money mula sa DOTC at $1,800 mula din sa intelligence fund. Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nakukunan ng panig si Cruz.
"Maraming misteryo ang nagaganap sa DOTC na kagagawan ni Asec. Cruz at isa lamang ito sa mga kaso dito," wika pa ni Tony dela Paz na miyembro ng DOTC-EAR.
Natuklasan sa roster ng DOTC personnel na walang Ma. Waneza Dy pero sinabi ng NBI na authentic ang pirma ni Asec. Cruz sa nasabing certification.
Ayon sa Bureau of Immigration embarkation card, lumipad si Dy patungong US noong Hulyo 18 via PR 104 ng Philippine Airlines habang kinumpirma naman ng US embassy na nagbigay sila ng visa kay Dy at nalaman nilang naka-check in ito sa Hilton Garden sa San Mateo, California at mananatili sa US hanggang Agosto 1.
Ibinunyag din ng grupo na kasama ni Dy sa US si DOTC head executive assistant Romeo German. Tumanggap naman si German ng $6,000 travel allowance at plane ticket na binayaran mula sa DOTC intelligence fund.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended