Pinayuhan si Mrs. Arroyo ng kanyang mga doktor sa St. Lukes Hospital na maghinay-hinay muna sa kanyang trabaho at magpahinga muna matapos ang 2-araw nitong pananatili sa ospital sanhi ng trangkaso.
Si Vice-President Noli de Castro ang kakatawan sa Pangulo sa pagbubukas ng 15th Makro store at ang pulong ng "Mega regions" sa araw na ito.
Magugunita na pinayuhan ni Dr. Juliet Cervantes, attending physician ng Pangulo, ang chief executive na magpahinga muna sa trabaho sa susunod na 2 linggo at kung magtatrabaho ay limitahan lamang ito mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Nakalabas ng St. Luke's Hospital ang Pangulo kamakalawa matapos na ma-confine ito sa loob ng 2 araw dahil sa trangkaso.
Nilinaw din ni Dr. Cervantes walang anumang karamdaman ang Pangulo bukod sa dinanas nitong trangkaso dala ng pagbabago ng ating panahon. (Ellen Fernando)