3 OFWs na-rescue sa Lebanon
July 30, 2006 | 12:00am
Tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) ang na-rescue habang naiipit sa giyera sa Tyre, Southern Lebanon samantalang ang isa pang Pinoy at employer nito ang nasugatan matapos na matamaan ng bomba.
Kinilala ang mga na-rescue na sina Reny Carrantes , Adelina Asuncion at Teresita Impelido na kapwa mula sa Isabela at kaagad na dinala sa Philippine Embassy sa Beirut upang makasama sa evacuation center kung saan dito naghihintay ang iba pang mga Filipino para makauwi na sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng kabuuang 576 OFWs ang naibalik na dito sa bansa samantalang 95 porsiyento ng may 30,000 Filipino workers mula sa Lebanon ang natukoy na ang mga kinaroroonan at nakilala na.
Samantala nasugatan naman ang isang Pinoy at empleyado nito matapos na mahagip kahapon ng bomba sa Tyre, Southern Lebanon.
Ayon kay Fr. Agustin Advincula ng Our Lady of Miraculous Medal Church sa Beirut nakatanggap siya ng tawag mula sa isang domestic helper na humihingi ng tulong dahil nagtamo ito at ang kaniyang employer ng bahagyang sugat mula sa pagsabog.
Kaugnay nito dumating na rin kahapon ang halos 200 OFWs na nailikas mula sa nasabing bansa na binubulabog ng giyera.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest