^

Bansa

Sec. Lapus umupo na sa DepEd

-
Pormal nang umupo bilang kalihim ng Department of Education (Dep Ed) si Tarlac Rep. Jesli Lapus kasabay ang paghahayag nito ng kanyang mga programa sa ahensiya.

Sa isinagawang turn-over ceremony sa DepEd central office sa Pasig City, sinabi ni Sec. Lapus sa grupong umaalma sa kanyang pag-upo na bigyan muna siya ng pagkakataong ipakita ang kanyang kakayahan.

Inilahad pa ni Lapus ang plano niyang madagdagan ang pondo ng ahensiya upang mapabilis ang naghihingalong kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng kahilingang P7.5 bilyong share sa national government supplemental budget at karagdagang 10 porsiyento sa annual revenue ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

"Budget Secretary Rolando Andaya assured me that DepEd could still get higher budget. We will also propose a P130 billion budget for 2007 to restore the quality of education that we are known for in the past," wika pa ni Lapus.

Nangako din ang bagong DepEd chief na itutuloy niya ang mga nasimulang programa ni dating DepEd officer-in-charge Fe Hidalgo gayundin ang pagbabalik ng "adopt a school program" sa pakikipagtulungan ng mga private sector.

Inatasan din ni Lapus ang mga guro sa pampublikong paaralan na sumailalim sa training upang mahasa ang kanilang kakayahan sa pagtuturo ng subject na english, math at science. (Edwin Balasa)

BUDGET SECRETARY ROLANDO ANDAYA

DEP ED

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

FE HIDALGO

JESLI LAPUS

LAPUS

PASIG CITY

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

TARLAC REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with