^

Bansa

Ambassador Bichara nag-sorry sa DFA

-
Humingi ng paumanhin si Philippine Ambassador to Lebanon Al Francis Bichara kay Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo sa nalikha nitong epekto sa ginawa niyang pahayag hinggil sa kawalan ng pondo para sa paglilikas ng mga OFW’s.

Iniharap ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa media briefing sa Palasyo sina Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos, Labor Sec. Arturo Brion, OWWA Adminstrator Marianito Roque at POEA Administrator Rosalinda Baldoz para linawin ang isyu hinggil sa ginagawang evacuation at repatriation sa mga OFW’s na nasa Lebanon.

Lumiham si Amb. Bichara kay Sec. Romulo kung saan ay inamin nitong nagkamali siya ng paniniwala na wala ng pondo para sa gagawing evacuation sa mga OFW’s.

Nagtiwala daw kasi siya sa kanyang staff na nagsabing naubos na ang pondong $50,000 na awtorisadong gamitin ng embahada para sa Oplan Sagip.

Inakala lamang daw ni Bichara na ubos na ang nasabing pondo kaya nasabi niya ito sa isang television interview kaya nawika niyang kailangan ang karagdagang pondo para sa paglilikas ng mga OFW’s.

"I was just trying to be candid and did not mean that the Philippine government had no money for the evacuation," nakasaad sa 3-pahinang liham ni Bichara kay Sec. Romulo na may petsang Hulyo 26.

Sinabi naman ni Usec. Conejos, bukod sa pondong $50,000 na nasa disposisyon ni Bichara at mayroon pa itong karagdagang $200,000 at nagpadala pa ng P150 milyon para sa paglilikas ng mga OFW’s sa Lebanon para makauwi na sila sa bansa.

Tiniyak naman ng mga opisyales ng DOLE at OWWA na dadalo sila sa isasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa umano’y pagkawala ng P8 bilyong pondo para sa kapakanan ng mga OFW’s.

Iginiit naman ni Sen. Richard Gordon na dapat magkaroon ng kinatawan ang gobyerno na siyang mamumuno sa evacuation ng mga OFW’s na naiipit ngayon sa Lebanon.

Sinabi ni Sen. Gordon, ang pagkakaroon ng direktang mangangasiwa sa evacuation ay maiiwasan ang turuan kung sinong ahensiya ang responsable sa evacuation ng may 30,000 OFW’s.

Hiniling din ni Gordon sa pamahalaan na magdeklara ito ng matibay na policy kaugnay sa kinakaharap na problema ng mga OFW’s kung dapat pauwiin na ang mga ito o pabayaan na lamang silang manatili sa naturang bansa.

Umapela naman ang Palasyo sa mga kritiko ni Pangulong Arroyo na unahin na muna ang pagpapauwi sa ating mga kababayang nasa gitna ng labanan sa Lebanon kaysa busisiin ang umano’y kakulangan ng pondo ng pamahalaan para sa evacuation ng mga ito.

Sinabi ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, handang gumastos ang gobyerno para sa evacuation at repatriation ng ating may 30,000 OFW’s na nasa Lebanon. (Ellen Fernando, Rudy Andal At Lilia Tolentino)

ADMINISTRATOR ROSALINDA BALDOZ

ADMINSTRATOR MARIANITO ROQUE

ARTURO BRION

BICHARA

ELLEN FERNANDO

EVACUATION

OFW

PARA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with