^

Bansa

Dayaan sa nursing exam, sisilipin ng Kamara

-
Nakatakdang ipatawag ng Kamara ang mga opisyal ng Philippine Regulatory Commission (PRC) at Board of Nursing (BON) upang magpaliwanag hinggil sa sinasabing dayaan sa ibinigay na nursing exam noong Hulyo 11 at 12.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang House committee on good government hinggil sa nasabing dayaan sa nursing exam upang matukoy ang mga dapat managot sa pagkakaroon ng ‘leakage’ sa nasabing pagsusulit.

Aminado naman ang ilang opisyal ng PRC at BON na nagkaroon ng paunang impormasyon ang mga estudyante sa isang review center sa magiging laman ng kanilang examination para sa subject na medical surgical nursing at pyschiatric nursing.

Aalamin din ng komite na mag-iimbestiga sa nasabing dayaan sa board exam kung kinakailangan nang rebisahin ang nilalaman ng Nursing Act of 2002 at ng PRC Modernization Act of 2000. (Malou Escudero)

AALAMIN

AMINADO

BOARD OF NURSING

HULYO

KAMARA

MAGSASAGAWA

MALOU ESCUDERO

MODERNIZATION ACT

NURSING ACT

PHILIPPINE REGULATORY COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with