27.3% ng rehistradong sasakyan 'di dumaan sa emission test LTO
July 28, 2006 | 12:00am
Umaabot sa may 27.30 percent o may kabuuang 1,311,230 mga private at public utility vehicles sa buong bansa ang hindi dumaan sa emission testing ng pamahalaan.
Ito ang lumabas na report mula sa Land Transportation Office-Management information division (LTO-MID) mula sa may kabuuang 4,810,191 mga sasakyan na nairehistro sa LTO nationwide noong 2005.
Bunsod nito, umaabot lamang sa 3,498,961 mga sasakyan sa buong bansa ang nasuri ang usok ng mga sasakyan at sumailalim sa inspection ng LTO Motor vehicles inspection section at mga private emission test center sa buong bansa.
Sa nakalap na report, nanguna sa non appearance ang region 12 sa Mindanao kasunod ang Caraga region; region 7; region 2; region 4; National Capital Region; region 8 habang ang region 11 lamang ang may pinaka mababang non appearances.
Sa ilalim ng batas, ang lahat ng sasakyan na irerehistro sa LTO ay dapat dumaan sa emission test upang matiyak kung ito ay hindi nagbubuga ng maduming usok na siyang no. 1 polluntants ngayon sa bansa.
Bunsod nito, nagbanta si LTO Chief Anneli Lontoc sa mga tauhan nito na kanyang parurusahan ang mga ito sakaling mapatunayang may kinalaman sa irregularidad at non-appearances sa pagsasailalim sa emission testing ng mga nairerehistrong sasakyan sa bansa
Sinabi pa ni Lontoc na ito anya ang dahilan kung bakit dapat nang magkaroon ng interconnectivity ang LTO sa mga petcs upang maglaho na ang korapsiyon at anomalya hinggil dito. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended