OWWA iimbestigahan ng Senado sa fund shortage para sa evacuation
July 28, 2006 | 12:00am
Makikialam ang Senado hinggil sa napaulat na kapabayaan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ukol sa pagpapalabas nito ng pondo para magamit sa mass evacuation ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon.
Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, naging mabagal daw ang pagpapalabas ng pondo ng OWWA para sa evacuation at repatriation ng may 30,000 OFWs.
Naghain ng resolusyon si Estrada kung saan ay ipapatawag ng Senado ang mga opisyal ng OWWA at ng Department of Labor and Employment (DOLE) para bigyang linaw ang kanilang mga plano sa kalagayan ng mga OFWs.
Kasabay nito, naghain din ng isang resolusyon si Sen. Richard Gordon na naglalayon naman na alamin sa mga kinatawan ng DOLE, OWWA, Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at Department of Foreign Affairs (DFA) kung ano ang kanilang mga balak at plano para sa agarang paglikas ng mga OFWs mula sa Lebanon.
Iminungkahi ni Sen. Gordon na mas makakatipid at hindi delikado kung barko ang gamitin para sa evacuation ng mga OFWs sa halip na bumiyahe ang mga ito sa pamamagitan ng mga bus.
Aniya, mas maganda kung dalhin sa mga bansang Turkey, Cyprus at Greece ang mga ililikas na OFWs sa Lebanon bago sila kunin ng mga eroplano patungo na sa Pilipinas.
Sinuportahan naman ni Fr. Agustin Advincula, ang parish priest ng Miraculous Medal church sa Beirut, ang naging pahayag ni Amb. Al Francis Vichara na ang kakapusan ng pondo ang nagpapabagal sa paglilikas ng mga Pinoy sa Lebanon. (Rudy Andal/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest