^

Bansa

3rd batch ng OFWs umuwi na

-
Dumating kahapon ng umaga ang may 35 OFWs na pangatlong batch ng mga overseas Filipino workers na inilikas mula sa kaguluhan sa Lebanon.

Sakay ng commercial flight na Cathay Pacific Airlines ang may 35 OFWs na galing sa Damascus, Syria ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon ng umaga. Sinalubong sila ng mga opisyal ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA) at kanilang mga pamilya.

Dumating din kamakalawa ng gabi ang 2nd batch ng may 235 Pinoy workers kung saan ay mismong si Pangulong Arroyo ang nanguna sa pagsalubong sa mga ito sa Villamor Air base sa Pasay City.

Sinabi naman ni OWWA deputy administrator Angelo Jimenez na bibigyan ng OWWA ng financial assistance at livelihood program ang mga OFWs habang wala silang hanapbuhay. (Butch Quejada)

ANGELO JIMENEZ

BUTCH QUEJADA

CATHAY PACIFIC AIRLINES

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DUMATING

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS WORKER WELFARE ADMINISTRATION

PANGULONG ARROYO

PASAY CITY

VILLAMOR AIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with