Pangako sa SONA ni PGMA matutupad
July 27, 2006 | 12:00am
Tiniyak kahapon ng mga economic planners at managers ng bansa na mapopondohan ang mga malalaking proyektong imprastraktura na inihayag ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kaniyang State-of-the-Nation Address (SONA).
Sinabi ni Socio-economic Planning Secretary Romulo Neri na manggagaling ang pondo mula sa national government, pribadong sektor at mga kumpanyang pag-aari o kontrolado ng Gobyerno.
Inihalimbawa ni Neri ang US$900-million North Luzon Railway project na may habang 32.2 kilometers mula Caloocan hanggang Malolos sa Bulacan, kung saan ang US$400 milyon ay mula sa isang loan sa Chinese Government.
Idinagdag pa ni Neri na ang South Korean government naman ang nagpopondo sa Southrail at Northrail-Southrail Linkage projects.
Ayon naman kay Finance Secretary Margarito Teves, ang makokolektang buwis para sa taong ito at sa isang taon, mga foreign investments at mga loans mula sa international financial institutions, ay makakatulong ng malaki sa pagpopondo sa mga proyektong binanggit sa SONA. (Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest