^

Bansa

YNN contract kanselahin agad — Miriam

-
Hiniling kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang agarang kanselasyon ng YNN Pacific Consortium contract sa Masinloc plant deal matapos mabigo itong magbayad ng kanilang downpayment sa kabila ng ibinigay na palugit dito ng pamahalaan.

Sinabi ni Sen. Santiago, chair ng senate committee on energy, sisimulan na rin ng kanyang komite ang imbestigasyon hinggil sa maanomalyang kontratang ito ng YNN bukas upang malaman kung sino-sino ang nakinabang sa nasabing deal makaraang kunsintihin ang Ranhill Berhad Power Corporation ng Malaysia.

Ayon kay Santiago, malaki ang kanyang paniniwala na mayroong kinalaman sa nasabing YNN deal si dating Pangulong Ramos kaya patuloy itong kinakanlong ng ilang opisyal sa Malacañang sa kabila ng pagkabigo ng nasabing kumpanya na matupad ang ibinigay na palugit upang mabayaran ang $227 milyon para sa Masinloc plant deal.

Bukod dito, winika pa ng mambabatas na chair din ng Congressional Power Commission (Powercom) na pipigain din nila ang mga opisyales ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM) sa pagkakaloob ng P10 milyong performance bonus para sa kanilang mga sarili.

Nakansela ang public hearing ng Powercom na pinamumunuan ni Santiago nitong Martes dahil sa biglang pag-alis ni Energy Secretary Raphael Lotilla na nagtungo sa Vietnam upang makaiwas sa kontrobersyal na YNN Pacific deal sa Masinloc plant. (Rudy Andal)

CONGRESSIONAL POWER COMMISSION

ENERGY SECRETARY RAPHAEL LOTILLA

MASINLOC

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PACIFIC CONSORTIUM

PANGULONG RAMOS

POWER SECTOR ASSETS AND LIABILITIES MANAGEMENT CORPORATION

POWERCOM

RANHILL BERHAD POWER CORPORATION

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with