Inakusahan nina Paquito Galura ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at Obet Martin ng Pasang Masda si Escobillo na nagmamani-obra umano sa kasalukuyang kalakaran ng issuance ng eCTPL, isang insurance benefits para sa mga pedestrians na mabibiktima ng mga pampasaherong sasakyan nationwide.
Nalaman umano nina Galura at Martin na ilang insurance companies ay nakakakuha ng lisensiya mula kay Escobillo kahit inotorisahan na ng batas ang dalawang umbrella organizations na Philippine Accident Managers, Inc. (Pami) at Universal Transport Solutions, Inc. (Unitrans) para magbenta ng ECTPL .
Sinuportahan ng transport groups ang PAMI at Unitrans na siyang mag-isyu ng ECTPL dahil mabilis silang nakakakuha ng claims sa loob ng limang araw lamang at on -site emergency medical assistance, bail bond na P20,000.00 sa mga drivers, "no receipt" medical assistance hanggang P500.00, medical assistance na P12,500.00 at death benefit na P50,000.00 sa mga biktima. (Angie dela Cruz)