^

Bansa

Transport umalma sa non-life insurance

-
Iginiit ng transport sectors kay Insurance Commissioner Evangeline Crisostomo-Escobillo na itigil na nito ang pagpapalabas ng authorization sa mga non-life insurance companies para makapagbenta ng tinatawag na enhanced compulsory third party liability insurance (eCTPL).

Inakusahan nina Paquito Galura ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at Obet Martin ng Pasang Masda si Escobillo na nagmamani-obra umano sa kasalukuyang kalakaran ng issuance ng eCTPL, isang insurance benefits para sa mga pedestrians na mabibiktima ng mga pampasaherong sasakyan nationwide.

Nalaman umano nina Galura at Martin na ilang insurance companies ay nakakakuha ng lisensiya mula kay Escobillo kahit inotorisahan na ng batas ang dalawang umbrella organizations na Philippine Accident Managers, Inc. (Pami) at Universal Transport Solutions, Inc. (Unitrans) para magbenta ng ECTPL .

Sinuportahan ng transport groups ang PAMI at Unitrans na siyang mag-isyu ng ECTPL dahil mabilis silang nakakakuha ng claims sa loob ng limang araw lamang at on -site emergency medical assistance, bail bond na P20,000.00 sa mga drivers, "no receipt" medical assistance hanggang P500.00, medical assistance na P12,500.00 at death benefit na P50,000.00 sa mga biktima. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ESCOBILLO

INSURANCE COMMISSIONER EVANGELINE CRISOSTOMO-ESCOBILLO

OBET MARTIN

OPEREYTOR NATIONWIDE

PAQUITO GALURA

PASANG MASDA

PHILIPPINE ACCIDENT MANAGERS

PINAGKAISANG SAMAHAN

UNITRANS

UNIVERSAL TRANSPORT SOLUTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with