Ayon kay Jose Justo, pangulo ng Philippine Information Technology Providers Association (PITPA) at may-ari ng Cyberlink IT company, pinasasalamatan nila sina DOTC Secretary Leandro Mendoza at LTO Chief Anneli Lontoc na mabibigyang daan na rin ang pagpapatupad sa naturang programa na hangaring maipatupad ng husto ang layunin ng emission program ng pamahalaan sa ilalim ng Clean Air Act.
Ang ETCit at Eurolink IT providers ang unang IT companies na naaprubahang magpatupad ng interconnectivity makaraang makapasa ang mga ito sa mga requirements ng DOTC at LTO. Sinabi din ni Justo na bagamat bumagsak ang kumpanya niya sa requirements ng LTO, umapela na siya sa DOTC para mapagbigyan ang kanyang kumpanya at iba pang IT providers na maging bahagi ng naturang programa.
Sa report ng LTO Management Information Division, may 34 percent ng non-appearance at fake CECs ang naitala mula sa Metro Manila areas. (Angie dela Cruz)