Sa petisyong ginawa ng mga nasabing empleyado na kanilang isinumite kay Transportation Secretary Leandro Mendoza at kay Pangulong Arroyo, nakasaad dito na sa tatlong taong panunungkulan ni Bautista bilang pinuno ng LTFRB ay ginawa niya itong "money-making" na ahensya sa pamamagitan ng ibat-ibang klase ng multa at penalty na naging napakahirap sa buhay ng mga driver at transport operators.
Sa 120 empleyado ng LTFRB sa central office sa Quezon City ay 85 sa mga ito ang pumirma sa appeal letter.
Samantala sa isinagawang panayam kay Bautista, sinabi nitong willing siyang magpa-lifestyle check upang mapatunayan kung siya ay isang corrupt na opisyal ng gobyerno.
Dagdag pa nito na posibleng ginagamit lang ang mga nasabing empleyado ng mga transport operators o grupo na galit sa kanyang pamamalakad dahil sa kanyang mahigpit na pamantayan. (Edwin Balasa)