^

Bansa

LTFRB chief pinasisibak ng employees

-
Pinasisibak ng mga empleyado ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) si Chairwoman Ma. Elena Bautista dahil umano sa graft and corruption at iba pang kaso.

Sa petisyong ginawa ng mga nasabing empleyado na kanilang isinumite kay Transportation Secretary Leandro Mendoza at kay Pangulong Arroyo, nakasaad dito na sa tatlong taong panunungkulan ni Bautista bilang pinuno ng LTFRB ay ginawa niya itong "money-making" na ahensya sa pamamagitan ng ibat-ibang klase ng multa at penalty na naging napakahirap sa buhay ng mga driver at transport operators.

Sa 120 empleyado ng LTFRB sa central office sa Quezon City ay 85 sa mga ito ang pumirma sa appeal letter.

Samantala sa isinagawang panayam kay Bautista, sinabi nitong willing siyang magpa-lifestyle check upang mapatunayan kung siya ay isang corrupt na opisyal ng gobyerno.

Dagdag pa nito na posibleng ginagamit lang ang mga nasabing empleyado ng mga transport operators o grupo na galit sa kanyang pamamalakad dahil sa kanyang mahigpit na pamantayan. (Edwin Balasa)

BAUTISTA

CHAIRWOMAN MA

DAGDAG

EDWIN BALASA

ELENA BAUTISTA

LAND TRANSPORTATION AND REGULATORY BOARD

PANGULONG ARROYO

PINASISIBAK

QUEZON CITY

TRANSPORTATION SECRETARY LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with