Pagnenegosyo ituturo sa eskwelahan
July 22, 2006 | 12:00am
Kinatigan ni Sen. Manny Villar ang plano ng DepEd na ituro sa pampublikong elementarya at high school ang asignatura tungkol sa pagnenegosyo.
Si Villar na masugid na nagsusulong sa "sipag at tiyaga" at isa ring matagumpay na negosyante ay naniniwala na ang pagnenegosyo ay solusyon sa mga problemang pang-ekonomiya ng bansa.
Pangungunahan ng DepEd ang paglulunsad ng "Go Negosyo Campaign Teen Edition" na ipapatupad sa mga piling pampublikong eskwelahan sa elementarya at high school bilang bahagi ng values education, technology at livelihood courses.
Inakda ni Villar ang Senate Bill 509 na naglalayong ituro ang entrepreneurship sa mga eskwelahan sa bansa. Ang hakbang, ani Villar, ay bubuwag sa paniniwala na ang mga Pilipino ay nag-aaral lamang para maging empleyado.
"Malulutas ang problema natin sa kawalan ng trabaho at underemployment kapag marami ang pumasok sa pagnenegosyo. Kailangan natin ng mas maraming job providers kaya kailangan ng bansa ng bagong henerasyon ng mga negosyante," paliwanag pa ni Villar. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended