National ID go na!
July 22, 2006 | 12:00am
Nagbigay na ng go-signal si Pangulong Arroyo para ipatupad ang Executive Order 420 o National Multi-purpose Identification System kasunod ng pagbasura ng Supreme Court sa apela ng mga militanteng grupo na kumukuwestiyon sa legalidad nito.
Sinabi ng Pangulo na ang pagpapatupad ng National ID ang siyang titiyak sa seguridad ng bawat mamamayan at bansa.
Pinawi rin ng Pangulo ang pangamba na maabuso ang karapatang pantao ng sambayanan kaya umapela siya sa publiko na suportahan ito.
Noong Abril 19, 2006 ay nagpalabas ng desisyon ang SC na pumapabor sa implementasyon ng ID system. Subalit nagsampa ng mosyon ang Bayan Muna at Kilusang Mayon Uno na kumuwestiyon sa legalidad ng nasabing kautusan sa Korte Suprema bunsod ng pagsaklaw ng gobyerno sa karapatan ng indibidwal, na ayon pa sa kanila ay isang uri ng pag-abuso.
Pero nilinaw ng SC en banc na walang nagawang pag-abuso ang Pangulo o Punong Ehekutibo sa pagpapatupad ng nasabing kautusan dahil hindi naman nito saklaw ng sangay ng lehislatura.
Bukod sa hindi umano panghihimasok sa lehislatura ang pagbuo ng nasabing batas, hindi rin umano ito maituturing na pag-abuso sa karapatan ng indibidwal o invasion of privacy dahil hindi sapilitan ang pagkuha ng impormasyon ukol dito at hindi rin sapilitan ang ang pagkuha ng naturang ID, kundi isang boluntaryo o sino lang ang gustong magkaroon nito, anang high tribunal. (Lilia Tolentino at Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended