Ikulong niyo ako Bishop Tobias
July 21, 2006 | 12:00am
Handa umanong magpakulong si Novaliches Bishop Antonio Tobias kung ito ang magiging kabayaran ng kanyang pagtulong at pagkupkop sa Magdalo fugitive na si 1Lt. Lawrence San Juan.
Ayon kay Tobias, hindi niya pinagsisisihan na kinanlong niya ng 3 araw sa kanyang bahay sa Fairview, Quezon City si San Juan dahil bahagi ito ng kanyang paglilingkod sa kapwa bilang alagad ng Diyos.
"I think I did something good for the country," ani Tobias.
Iginiit nito na ang ginawa niya ay nagpahupa sa nooy mainit na sitwasyon nang magpasaklolo sa kanya si San Juan.
Nilinaw nito na wala rin umano siyang nararamdamang pressure mula sa Malacañang matapos siyang umamin na "itinago" niya ang mga itinuturing na "enemies of the state."
Sa kabila nito, mangunguna pa rin si Tobias sa gagawing misa sa St. Peters Church kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest