Sinabi ni Beth Angsioco, chairman ng Democratic Socialist Women of the Philippines (DSWP), tutulong rin ang Philippine Women Legislators Committee on Population and Development sa pangangalap ng mga lagda upang maituro sa mga kabataan ang reproductive health at pagiging responsableng magulang.
Ayon naman kay Sunny Cortes, lider ng of Aksyon LGBT o Lesbians, Gays, Bisexuals at Transexuals, walang dahilan ang DepEd upang hindi maituloy ang nasabing aralin dahil marami sa mga kabataan ang natututo sa usaping sekswal sa maling paraan.
Umaasa naman ang DSWP na makikiisa rito ang DepEd, aniya ito ay para na rin sa kapakanan ng mga kabataan upang malaman ang kahihinatnan ng kanilang karanasan sa usaping "sekswal" kung saan lumalabas na 31 porsiyento ng mga lalaki habang 16 porsiyento naman ng mga babae ang namumulat sa pre-marital sex sa murang edad. (Edwin Balasa)