Nabatid na sumuko si Brillante sa Warrant Section ng Makati City Police sa bisa ng isang bench warrant na inisyu ni Judge Manuel Victorio ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 141 dahil sa kasong libelo.
Tinagurian naman ni Brillante na political harassment at gumaganti lamang umano si Binay dahil sa hindi na maawat na tagumpay ng Cha-cha at ang napipintong pagdesisyon ng Ombudsman sa kasong plunder na isinampa niya laban kay Binay ang mga tunay na dahilan ng pagpapaaresto sa kanya.
"Alam ni Mayor Binay na mapapahiya siya ng matindi oras na manalo na ang cha-cha sa Makati. Sa District 2 pa lamang ng lungsod ay nakakalap na kami ng 5,000 lagda pabor sa cha-cha," sabi ni Brillante, national coordinator ng Cha-cha sa Makati.
Base sa rekord, sinampahan ng libelo ni Binay si Brillante noong 1997 matapos umanong tawagin ng huli ang una na "magnanakaw."
Ngunit ayon naman kay Brillante, walang libelo sa kanyang ginamit na salita dahil isinalin lamang niya sa salitang Tagalog ang COA report. (Lordeth Bonilla)