^

Bansa

Nagsusulong ng Cha-cha sa Makati ipinaaresto ni Mayor Binay

-
Ipinadampot kahapon ni Makati City Mayor Jejomar ang kanyang kalaban sa pulitika na nagsusulong ng Charter change sa lungsod na si dating bise alkalde Roberto "Bobby" Brillante.

Nabatid na sumuko si Brillante sa Warrant Section ng Makati City Police sa bisa ng isang bench warrant na inisyu ni Judge Manuel Victorio ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 141 dahil sa kasong libelo.

Tinagurian naman ni Brillante na political harassment at gumaganti lamang umano si Binay dahil sa hindi na maawat na tagumpay ng Cha-cha at ang napipintong pagdesisyon ng Ombudsman sa kasong plunder na isinampa niya laban kay Binay ang mga tunay na dahilan ng pagpapaaresto sa kanya.

"Alam ni Mayor Binay na mapapahiya siya ng matindi oras na manalo na ang cha-cha sa Makati. Sa District 2 pa lamang ng lungsod ay nakakalap na kami ng 5,000 lagda pabor sa cha-cha," sabi ni Brillante, national coordinator ng Cha-cha sa Makati.

Base sa rekord, sinampahan ng libelo ni Binay si Brillante noong 1997 matapos umanong tawagin ng huli ang una na "magnanakaw."

Ngunit ayon naman kay Brillante, walang libelo sa kanyang ginamit na salita dahil isinalin lamang niya sa salitang Tagalog ang COA report. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BINAY

CHA

JUDGE MANUEL VICTORIO

LORDETH BONILLA

MAKATI

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

MAYOR BINAY

SA DISTRICT

WARRANT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with