OFWs sa Lebanon: Di kami uuwi!
July 20, 2006 | 12:00am
"Mamatay na kami sa giyera, wag lang sa gutom."
Ito ang umanoy pahayag ng karamihan sa 30,000 manggagawang Pinoy na naiipit ngayon sa gulo ng Israel at Lebanon sa kabila ng utos ni Pangulong Arroyo na ilikas na ang mga ito.
Sa report ng embahada ng Pilipinas sa Beirut, may 1,000 Pinoy workers na ang lumagda na hindi nila lilisanin ang naturang magulong bansa at nagpahayag sila na ipagpapatuloy ang kanilang trabaho doon.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos, sa 30,000 OFWs sa Lebanon, tanging 900 lang ang nagpalista at naghayag ng kanilang pagnanais na makauwi sa Pilipinas dahil sa gulo sa naturang lugar.
Pero sinabi ni Conejos na sa 900 nagpalista, hindi lahat dito ay siguradong babalik sa bansa dahil ang iba rito, kahit nagpatala ay nakikiramdam pa sa sitwasyon sa Lebanon.
Sa Sabado ay inaasahan ang pagdating sa Maynila ng first batch ng 200 Pinoy na boluntaryong naghayag na nais nilang makauwi na sa Pilipinas. Nakaalis na sa Lebanon ang 200 kung saan mananatili sila sa Damascus, Syria ngayong magdamag at bukas ay bibiyahe patungong Dubai pabalik ng Maynila.
Inamin ni DFA spokesman Gilbert Asuque na kulang ang pondo ng kagawaran upang iproseso lahat ang repatriation sa may 30,000 Pinoy. Lumalabas na boluntaryo ang isasagawang pagpapauwi sa mga manggagawa.
Bukod sa pondo ay wala ring barko na maaaring masakyan ng mga ito.
Gayunman, umaasa ito na magagawan ng paraan ni special envoy to Middle East Roy Cimatu na nasa Gitnang Silangan na upang personal na mag-asikaso sa evacuation ng mga ito, "by road" sa Syria o kayay "by sea" sa Cyprus.
Kaugnay nito, nasagip na ang may 24 Pinay domestic helpers na na-stranded sa isang condominium sa Beirut matapos iwan ng kanilang mga amo tangay ang kanilang mga pasaporte.
Kahapon ay sinundo ni Fr. Augustine Jesty Advincula, kura paroko ng Basilica of Our Lady of the Miraculous Medal, ang 24 Pinay. Dalawang sasakyan ng simbahan ang ginamit na pangsundo sa mga ito na ngayon ay nasa ligtas ng kalagayan sa loob ng simbahan kasama ng iba pang OFW.
Samantala, sinuspinde na ng POEA ang pagpapadala ng Pinoy workers sa Lebanon. Ang suspension ay "indefinite" ayon kay administrator Rosalinda Baldoz.
Nagbukas naman ang OWWA ng hotlines na puwedeng tawagan ng mga OFWs ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas, 233-6992/551-1560 o magtext sa OWWA, 0918986992. (Lilia Tolentino At Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest