Ayon sa korte, papupuntahin na lamang ang mga government prosecutors sa villa ni Erap sa Tanay sa halip na ang dating pangulo ang magpunta sa korte para isampa ang libel case nito laban kay Pelaez.
Magugunitang nais ni Erap na siya ang personal na maghain ng P30 milyong libel suit laban kay Pelaez at ina nitong si Blanquita at sa publisher, editors at reporter ng Manila Standard Today.
Samantala, iginiit naman ng kampo ni Erap sa pagdinig ng kanyang plunder case sa Sandiganbayan na lehitimo ang nakasaad sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) nito noong 1998.
Sinabi ni Atty. Rene Saguisag, legal counsel ni Erap, lehitimo ang nilalaman ng SALN ni Estrada at ang mga dokumentong magmumula sa SSS at SEC ang magpapatunay nito. (Malou Escudero)