^

Bansa

Erap 'di pinayagang personal na magsampa ng libel

-
Hindi pinayagan ng Sandiganbayan Special Division si dating Pangulong Erap Estrada na makalabas ng kanyang villa sa Tanay, Rizal para personal itong magsampa ng libel case laban kay dating beauty queen Joelle Pelaez.

Ayon sa korte, papupuntahin na lamang ang mga government prosecutors sa villa ni Erap sa Tanay sa halip na ang dating pangulo ang magpunta sa korte para isampa ang libel case nito laban kay Pelaez.

Magugunitang nais ni Erap na siya ang personal na maghain ng P30 milyong libel suit laban kay Pelaez at ina nitong si Blanquita at sa publisher, editors at reporter ng Manila Standard Today.

Samantala, iginiit naman ng kampo ni Erap sa pagdinig ng kanyang plunder case sa Sandiganbayan na lehitimo ang nakasaad sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) nito noong 1998.

Sinabi ni Atty. Rene Saguisag, legal counsel ni Erap, lehitimo ang nilalaman ng SALN ni Estrada at ang mga dokumentong magmumula sa SSS at SEC ang magpapatunay nito. (Malou Escudero)

ERAP

JOELLE PELAEZ

LIABILITIES AND NETWORTH

MALOU ESCUDERO

MANILA STANDARD TODAY

PANGULONG ERAP ESTRADA

PELAEZ

RENE SAGUISAG

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

STATEMENT OF ASSETS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with