Ayon kay Beth Angsioco, secretary general ng Aksyon Sambayanan (AkSa), maging si National Security Adviser Norberto Gonzales, lider ng Partido Demokratiko Sosyalita ng Pilipinas (PDSP) ay nasa listahan ng mga opisyal ng gobyerno na target ng mga rebelde.
Kabilang din sa pinagbabantaan si dating Laguna Vice Gov. Dan Fernandez, na tinawag pang "an enemy of the people" ng mga rebelde kung saan ay ipinamo-monitor pa umano sa mga kadre ang mga aktibidad ng actor/politician.
Maging ang mga lider ng grupo sa mga lalawigan ng Bataan, Quezon at Southern Mindanao ay kabilang na rin sa death list ng mga rebelde at sinasabing tagaturo ng mga rebelde sa military. "We will not be cowed into silence because of these threats. We will continue to rally people in the countryside to work for the defense of democracy and for the advancement of non-violent social revolution," ani Angsioco. (Doris Franche)