^

Bansa

Gonzales, target ng CPP-NPA

-
Sa kabila ng nakatakdang pagdurog sa mga rebeldeng komunista sa bansa, malakas pa rin ang loob na maghasik ng lagim ang CPP-NPA sa mga itinuturing nitong kaaway ng kanilang kilusan.

Ayon kay Beth Angsioco, secretary general ng Aksyon Sambayanan (AkSa), maging si National Security Adviser Norberto Gonzales, lider ng Partido Demokratiko Sosyalita ng Pilipinas (PDSP) ay nasa listahan ng mga opisyal ng gobyerno na target ng mga rebelde.  

Kabilang din sa pinagbabantaan si dating Laguna Vice Gov. Dan Fernandez, na tinawag pang "an enemy of the people" ng mga rebelde kung saan ay ipinamo-monitor pa umano sa mga ‘kadre’ ang mga aktibidad ng actor/politician.

Maging ang mga lider ng grupo sa mga lalawigan ng Bataan, Quezon at Southern Mindanao ay kabilang na rin sa ‘death list’ ng mga rebelde at sinasabing tagaturo ng mga rebelde sa military. "We will not be cowed into silence because of these threats. We will continue to rally people in the countryside to work for the defense of democracy and for the advancement of non-violent social revolution," ani Angsioco. (Doris Franche)

AKSYON SAMBAYANAN

ANGSIOCO

AYON

BETH ANGSIOCO

DAN FERNANDEZ

DORIS FRANCHE

LAGUNA VICE GOV

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALITA

SOUTHERN MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with