^

Bansa

Transparency sa pagkuwenta ng presyo ng langis hiling

-
Hiniling ng ilang grupo na buksan sa publiko o maging transparent ang mga kompanya ng langis kung paano nito kinukuwenta ang mga presyo ng mga produktong petrolyo dahil tanging ang mahihirap na mamamayan ang higit na naapektuhan.

Partikular na tinukoy ng grupong Congress Labor Organizations (CLO) at Aksyon Sambayanan (Aksa) ang major oil players na Shell, Caltex at Petron na impormahan nito ang publiko ng kanilang sistema sa mga presyo na halos lingguhan kung magtaas ng kanilang mga presyo dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Ayon kay AkSa labor leader Timoteo Aranjuez, kailangan ding ikonsidera ng mga kumpanya ng langis ang kalagayan ng mga mahihirap lalo pa’t lumilitaw na lalong tumaas ang kita ng mga ito ng nakaraang taon dahil sa walang humpay na oil price hike.

Hiniling din ni Aranjuez sa gobyerno na magmonitor upang hindi samantalahin ng mga oil companies ang kalagayan ngayon ng "enerhiya" sa bansa.

Aniya, dapat na ring madaliin sa Kongreso ang pagpasa ng bio-fuel act upang hindi na masyadong umasa sa mga imported oil, makababawas pa ng polusyon at makakalikha pa ng trabaho para sa marami. (Doris Franche)

vuukle comment

AKSA

AKSYON SAMBAYANAN

ANIYA

ARANJUEZ

AYON

CONGRESS LABOR ORGANIZATIONS

DORIS FRANCHE

HINILING

TIMOTEO ARANJUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with