Nabatid na dalawang araw matapos ang pagkakaaresto kay Bolante sa LA Airport dahil sa kanseladong visa ay dumating sa nasabing bansa ang Unang Ginoo.
Sinasabing malapit na kaibigan ng First Gentleman si Bolante na isinasangkot sa umanoy paglustay sa P728 milyong fertilizer fund na ginamit umano sa kandidatura ni Pangulong Arroyo noong 2004 elections.
Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang Unang Ginoo sa pagsasabing nagtungo sa LA si FG upang dalawin ang isang kanaak at hindi para makialam sa kaso ni Bolante.
Samantala, pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang balitang ito ang humiling sa pamahalaang Amerika na kanselahin ang visa ni Bolante. (Ellen Fernando)