^

Bansa

Kaso ni Joc-joc inaayos na raw ni FG

-
Si First Gentleman Mike Arroyo umano ang mismong tumutulong kay dating Agriculture Undersecretry Jocelyn "Joc-joc" Bolante sa Los Angeles, California upang maayos ang kaso nito roon.

Nabatid na dalawang araw matapos ang pagkakaaresto kay Bolante sa LA Airport dahil sa kanseladong visa ay dumating sa nasabing bansa ang Unang Ginoo.

Sinasabing malapit na kaibigan ng First Gentleman si Bolante na isinasangkot sa umano’y paglustay sa P728 milyong fertilizer fund na ginamit umano sa kandidatura ni Pangulong Arroyo noong 2004 elections.

Ipinagtanggol naman ng Malacañang ang Unang Ginoo sa pagsasabing nagtungo sa LA si FG upang dalawin ang isang kanaak at hindi para makialam sa kaso ni Bolante.

Samantala, pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang balitang ito ang humiling sa pamahalaang Amerika na kanselahin ang visa ni Bolante. (Ellen Fernando)

AGRICULTURE UNDERSECRETRY JOCELYN

AMERIKA

BOLANTE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FIRST GENTLEMAN

LOS ANGELES

PANGULONG ARROYO

SI FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with