Pinas kinakapos na sa mga hukom
July 15, 2006 | 12:00am
Hindi lamang sa mga doktor, nurse at guro kinakapos ang gobyerno kundi pati hukom ay kinukulang na ang bansa.
Sa talaan ng Office of the Court Administrator (OCA), umaabot sa 618 hukom ang bakante sa Regional Trial Courts, Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts in Cities, Municipal Circuit Trial Courts, Municipal Trial Courts, Sharia District Court at Sharia Circuit Court.
Pinakamalaking bilang na kulang sa huwes ang National Capital Region kung saan 24 ang kailangan sa Pasay RTC, 22 sa Manila RTC, 7 sa Pasig RTC at 5 sa Quezon City RTC.
Dahil dito, nananawagan si SC Chief Justice Artemio Panganiban na chairman din ng Judicial and Bar Council sa mga miyembro ng Philippine Bar na tumulong sa JBC upang mapunan ang mga bakanteng puwesto.
Iginiit ni Panganiban na patuloy ang kampanya ng JBC para sa panghihikayat sa mga nais maging hukom sa pamamagitan nang pakikipag-dayalogo sa ibat ibang grupo ng mga abogado. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended