Alyansa ng Magdalo sa CPP-NPA kinumpirma
July 15, 2006 | 12:00am
Pormal nang tumiwalag sa grupong Magdalo si Oakwood mutineer 1Lt. Lawrence San Juan dahil hindi na umano niya masikmura ang pakikipag-alyansa ng Magdalo sa Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na mortal na kaaway ng mga sundalo.
Sa kanyang kauna-unahang pagharap sa media 56 araw matapos masakote, inihayag ni San Juan ang kanyang muling panunumpa ng katapatan sa Konstitusyon at Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Humingi rin ng tawad si San Juan sa kanyang pamilya, sa bayan, sa liderato ng militar at sa gobyerno dahil sa nagawang pagkakamali sa paraan ng pagkamit ng kanyang mga mithiin.
"Ako ay humihingi ng tawad sa aking pamilya, sa Sandatahang Lakas at sa bayan. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at handa kong harapin ang kaparusahan ng aking ginawa na naaayon sa legal na proseso," ani San Juan sa media.
Sinabi rin ni San Juan na ang kanyang pagtiwalag sa Magdalo at pagbabalik-loob sa AFP ay kusang-loob niyang pinagdesisyunan ng walang anumang pamimilit, paghingi ng pabor o kahit na anong kapalit.
Inamin din niya na ang kanyang mga ginawa ay hindi naging daan upang makatulong sa kalagayan ng AFP lalo na sa kalagayan ng bansa sa halip ay nagdulot ng pagkasira sa kanyang sarili at pamilya.
Kaugnay nito, sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Bartolome Bacarro Jr., na walang magiging pagbabago sa pagtrato nila kay San Juan sa kabila ng pagbabalik-loob nito sa AFP at ihaharap pa rin nila ito sa paglilitis kaugnay ng nagawang pagkakamali. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended