^

Bansa

OFWs sa Hong Kong nabahala sa sunud-sunod na impeach GMA

-
Nagpahayag ng pagkabahala ang isang malaking samahan ng mga Filipino workers sa Hong Kong sa sunud-sunod na impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Arroyo at ang destabilisasyong maaring idulot nito.

Ayon kay Joselito Sapio, chairman ng Galing Manggagawang Pinoy sa Abroad (GMPA) na binubuo ng mahigit sa 30 Filipino organizations sa HK, "nag-aalala ang mga katulad naming overseas Filipino workers na mababalewala ang aming pagsusumikap na mapatatag ang ekonomiya dahil sa pagmamaniobra ng mga sector na nagpupumilit na mapatalsik si Pangulong Arroyo."

Pinuna ni Sapio na kahit na mga pribadong mamamayan ang nagsampa ng mga impeachment complaint, ito ring mga ito ang nakipagsabwatan sa oposisyon sa nabigo nilang tangkang agawin ang kapangyarihan sa Pangulo.

"Walang nararating ang oposisyon kundi balewalain ang pagsisikap naming mga OFWs na patatagin at palakasin ang ekonomiya," ayon pa kay Sapio, sabay pagpuna nito sa umaabot na sa $10 bilyon ang naiambag ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas noong isang taon. (Mer Layson)

AYON

GALING MANGGAGAWANG PINOY

HONG KONG

JOSELITO SAPIO

MER LAYSON

NAGPAHAYAG

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SAPIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with