Sa isang pahayag, sinabi ni Cerilles na walang karapatan ang mga aroganteng empleyado at opisyal ng kagawaran na ipilit kung sino ang kanilang napipisil bilang punong opisyal dahil nakaatang sa balikat ng Pangulo ang nasabing pribilehiyo.
Aniya, ang mga miyembro ng Gabinete ay mga opisyal na pamilya ni Pangulong Arroyo kaya tanging ang Punong Ehekutibo lamang ang maaaring pumili kung sino ang napipisil nitong mamahala sa isang tanggapan ng pamahalaan.
Ipinagdiinan pa ng kongresista na bukas ang pinto ng kagawaran para sa mga opisyal at kawani ng DepEd na hindi kayang tanggapin ang pagkakaluklok ni Lapus.
Naniniwala si Cerilles na hindi naman patas para kay Lapus ang mga batikos na tinatanggap nito dahil matibay at may kakayahan ang kongresista upang pamunuan ang nasabing tanggapan. (Malou Escudero)