^

Bansa

Klase, opisina suspindido kay Florita

-
Sinuspinde kahapon ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) ang klase sa lahat ng antas dahil sa walang tigil na pag-ulan sanhi ng tropical storm Florita.

Alas-11 kahapon ng umaga ay inanunsiyo ni DepEd chief ng NCR Director Teresita Domalanta ang suspensiyon ng klase sa elementary at high school levels sa Metro Manila. Agad namang sinundan ni CHED Director Amelia Biglete at sinuspinde rin ang klase sa kolehiyo.

Itinigil din ang klase sa Regions 1,3,4,5,6 at National Capital Region (NCR) bunsod sa pagbaha na dulot ng sama ng panahon.

Kasunod nito ang pagsusupinde rin ng Malacañang sa operasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan sa Regions 1, 2, 3, 4, 6 Cordillera Autnomous Region at NCR.

Sa latest report ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 350 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes taglay ang pinakamalakas na hanging 120 kilometro bawat oras na may pagbugso hanggang 140 kilometro.

Ang bagyo ay inaasahang lalabas na ng bansa ngayong araw papuntang Taiwan pero, makakaranas pa rin ng mga pag-uulan ang mga lugar sa bansa partikular ang Metro Manila dahil sa epekto ng habagat kay Florita.

Signal number 3 sa Batanes group of Islands at Calayan Group of Islands, signal number 2 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao at Ilocos Norte at signal number 1 sa Isabela, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, Benguet at La Union. (Edwin Balasa/Lilia Tolentino/Angie dela Cruz)

BATANES

CALAYAN GROUP OF ISLANDS

CORDILLERA AUTNOMOUS REGION

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIRECTOR AMELIA BIGLETE

DIRECTOR TERESITA DOMALANTA

EDWIN BALASA

FLORITA

HIGHER EDUCATION

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with