^

Bansa

‘Multo’ sa Road Right of Way ng DPWH pinasisiyasat

-
"Minumulto" ng mga ghost claims, ghost properties at overpricing ang Road Right of Way bureau ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ikinalulugi ng bilyong piso ng pamahalaan.

Dahil dito, umapela ang ilang mga concerned employees ng DPWH kay Secretary Hermogenes Ebdane na paimbestigahan ang nasabing ahensiya at pagre-resign ng mga empleyado sa Road Right of Way na sangay ng nasabing ahensiya na may budget na bilyon-bilyong piso para sa pagbabayad sa mga tinamaan ng mga road projects ng gobyerno.

Ang pagkalagas ng mga empleyado sa Road Right of Way ay indikasyon umano na may nangyayaring hokus-pokus sa departamento na pinaniniwalaang ikinalulugi ng pamahalaan ng bilyon-bilyong piso.

Hinihiling din ng grupo kay Sec. Ebdane na ire-assign ang hepe ng Road Right of Way na si Patrick Gatan para maimbestigahan ng maigi at mabungkal ang mga anomalya sa nasabing section ng DPWH.

"Nagkakagulo ngayon ang mga empleyado sa Road Right of Way at sa pagkaka-delay ng mga proyektong imprastraktura ng pamahalaan ay milyon-milyon ang nalulugi sa gobyerno araw-araw kaya dapat maisaayos na ang organisasyon at unahin ang pag-reassign at pagpalit kay Dir. Gatan para makita ni Sec. Ebdane ang malinaw na sitwasyon para mabigyan ng karampatang solusyon," pahayag ni Domeng Santos, isa sa mga kawani ng DPWH.

Malaking budget ng DPWH ang nakaukol sa Road Right of Way. Sa Mindanao lamang ay higit sa P3 bilyon ang nakalaan, sa Metro Manila ay hindi kukulangin ng P5 bilyon ang budget at sa South Luzon naman ay halos P1 bilyon.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DOMENG SANTOS

EBDANE

METRO MANILA

PATRICK GATAN

ROAD

ROAD RIGHT OF WAY

SA MINDANAO

SECRETARY HERMOGENES EBDANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with