^

Bansa

Bumidang bumaligtad na rin

-
Tuluyan nang pumanig sa gobyerno ang isa sa anim na nasakoteng miyembro ng Magdalo kasabay ng pangakong makikipagtulungan sa imbestigasyon laban sa kanyang mga kasamahan.

Ayon kay Sr. Supt. Asher Dolina, chief ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-NCR, bumaligtad si 1st Lt. Patricio Bumidang Jr. at ikinanta na may nakatago pang blueprint sa kanilang safehouse sa Filinvest, Quezon City na sinalakay nitong Biyernes.

Sinabi ni Dolina na 16 pang karagdagang blueprints ng Batasan complex ang kanilang nasamsam sa 10 oras na paghahalughog sa lugar, gayundin ang 3 laptop at 11 cellphones. Nangako rin si Bumidang na "ikakanta" ang mga maiimpluwensiyang negosyante at pulitiko na sangkot sa pagpaplano ng kudeta laban sa pamahalaang Arroyo. Ayon kay Dolina, nang isagawa nila ang raid ay naaktuhan nila si Bumidang na sinisisi ang kanyang mga kasamahan sa pagpupumilit na maglunsad ng destabilisasyon laban sa gobyerno.

Ikinokonsidera na gawing state witness si Bumidang pero hindi pinayagan Department of Justice (DOJ) na ipasailalim ito sa Witness Protection Program.

Maliban kay Bumidang, nahuli rin sina Army Capt. Nathaniel Rabonza, 1st Lt. Sonny Sarmiento, 2nd Lts. Angelbert Gay, Aldrin Baldonado at Navy Lt. JG Kiram Sadava.

Kahapon ay isinulong ng DOJ ang kasong illegal possession of firearms at direct assault laban sa anim. Inirekomenda ang piyansang P200,000 para sa kanila. (Joy Cantos/Grace dela Cruz)

ALDRIN BALDONADO

ANGELBERT GAY

ARMY CAPT

ASHER DOLINA

AYON

BUMIDANG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF JUSTICE

JOY CANTOS

KIRAM SADAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with