Pag ipinilit bilang sec. si Rep. Lapus: DepEd employees welga!
July 12, 2006 | 12:00am
Nagbanta ng malawakang kilos protesta ang mga empleyado ng Department of Education (DepEd) matapos ang malakas na ugong na pagtatalaga kay Tarlac Rep. Jeslie Lapus bilang bagong kalihim ng ahensiya.
Ayon kay Atty. Domingo Alidon, Jr., presidente ng DepEd Employees Union, hindi pabor ang nakararaming kawani partikular na ang kanilang mga kasapi na isa na namang pulitiko ang magiging kalihim ng edukasyon.
"Ayaw namin ng dictatorship, ang gusto namin ay educator kaya kami nananawagan sa Pangulo para i-reconsider nito ang pagtatalaga sa mambabatas," saad ni Alidon.
Sinabi pa ni Alidon na dapat ay italaga si Lapus sa ahensiya ng pamahalaan na mayroong kinalaman sa pinansiyal dahil ito ay dating naglingkod sa bangko at wala umano itong alam sa usaping akademya.
Sinabi pa nito na buo pa rin ang kanilang suporta kay officer-in-charge Fe Hidalgo upang maging kalihim ng DepEd dahil sa naging karanasan nito at kaalaman sa pagpapatakbo ng ahensiya kumpara kay Lapus na kailangan pang magsagawa ng napakaraming adjustment.
Anya, maaari lamang umanong gamitin ng isang mambabatas ang puwesto sa edukasyon para sa plano nitong pulitika sa nalalapit na halalan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest