Rape victim ipinahiya ng hukom, pinagmulta
July 10, 2006 | 12:00am
Isang hukom ang pinagmulta ng Supreme Court (SC) matapos itong pumayag na isapubliko ang pagsasagawa ng cross examination sa isang menor-de-edad na rape victim sa isinagawang preliminary investigation sa kaso.
Sa SC en banc decision, pinagbabayad ng P21,000 si Judge Rogaciano Rivera ng Municipal Trial Court ng Sta. Catalina, Negros Oriental matapos mapatunayang nagkasala ng Gross Ignorance of the Law.
Nabatid sa rekord na nagsampa ng demanda ang menor-de-edad laban sa isang Roderick Sales, sa kasong panggagahasa noong taong 2001.
Kinuwestiyon ng kampo ng biktima ang maling ginawa ng hukom nang pabayaan nitong manood ang publiko sa cross examination, isang maselang kaso na dapat ay hindi nakalantad ang biktima habang nagsasalaysay ng malaswang ginawa sa kanya ng akusado na nagdulot ng kahihiyan sa biktima.
Bukod pa rito, sinabi pa sa reklamo na masyadong makupad ang hukom sa pagpapadala ng resolusyon sa provincial prosecutor ng Negros Oriental dahil umabot sa mahigit isang taon ang nakalipas bago ang inisyung resolusyon.
Ayon sa SC, malinaw na ang simpleng isinasaad sa batas na nagtatakda ng 10 araw lamang para mag-isyu ng resolusyon ang hukom ay hindi nito sinunod.
Iginiit ng mga mahistrado na isang kamangmangan sa batas ang ginawa ni Judge Rivera. Binalaan din nito na mas mabigat na parusa ang igagawad kung mauulit pa ang katulad na reklamo laban sa kanya. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest