Nagsimula lamang ito nang mabasa niya sa isang tabloid ang pa-contest sa pamamagitan ng text. Tumaya siya ng suporta sa nakalipas na laban ni boxing champ Manny Pacquiao kay Mexican boxer Oscar Larios at siya ang masuwerteng nanalo ng milyon.
"Matutustusan ko na ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Hindi po ako makapaniwala na mananalo ako ng P1 milyon dahil wala po akong ginastos sa text kasi nga po may free load naman. Ang sa akin, subok lang at gusto ko ring sumuporta kay Pacquiao," ani Rose. Tinutukoy niya rito ang P20 free load na ibinibigay sa mga unang nagpaparehistro sa E-Games.
Ang raffle draw ay ginanap noong Biyernes ng gabi sa Casino Filipino sa Parañaque City.
Tulad ni Rose Joy, halos manginig naman ang katawan sa sobrang nerbiyos ng isa pang lucky texter na si Robert Roldan, 56, ng QC na nanalo ng 2nd prize na P200,000 mula sa Grand Text Milyonaryo ng E-Games.
Samantala, tig-P100,000 sina Rowena Nano at Arman Bucanes habang sina Jocelyn Ortega, Milleth P. Manalili, Angel V. Masbad, Napoleon Cruz Villacorte, Lierra Fe B. Bustos, Emily Bugante, Madelene N, Cheng, Elena A. Formales, Gloria P. Estrella at Daisy Lu L. Conquilla ay tig-P10,000.