^

Bansa

Sekretarya naging milyonaryo dahil kay Pacquiao

-
Marami ang nangarap yumaman. Pero higit pa sa pagyaman ang dumapong suwerte sa sekretaryang si Rose Joy Sebastian, 32, ng Tarlac City, dahil siya ang pinalad na magwagi ng P1 million sa kinagigiliwang laro ngayon sa text na Mano Milyonaryo Text Entertainment Games (E-Games).

Nagsimula lamang ito nang mabasa niya sa isang tabloid ang pa-contest sa pamamagitan ng text. Tumaya siya ng suporta sa nakalipas na laban ni boxing champ Manny Pacquiao kay Mexican boxer Oscar Larios at siya ang masuwerteng nanalo ng milyon.

"Matutustusan ko na ang pag-aaral ng mga kapatid ko. Hindi po ako makapaniwala na mananalo ako ng P1 milyon dahil wala po akong ginastos sa text kasi nga po may free load naman. Ang sa akin, subok lang at gusto ko ring sumuporta kay Pacquiao," ani Rose. Tinutukoy niya rito ang P20 free load na ibinibigay sa mga unang nagpaparehistro sa E-Games.

Ang raffle draw ay ginanap noong Biyernes ng gabi sa Casino Filipino sa Parañaque City.

Tulad ni Rose Joy, halos manginig naman ang katawan sa sobrang nerbiyos ng isa pang lucky texter na si Robert Roldan, 56, ng QC na nanalo ng 2nd prize na P200,000 mula sa Grand Text Milyonaryo ng E-Games.

Samantala, tig-P100,000 sina Rowena Nano at Arman Bucanes habang sina Jocelyn Ortega, Milleth P. Manalili, Angel V. Masbad, Napoleon Cruz Villacorte, Lierra Fe B. Bustos, Emily Bugante, Madelene N, Cheng, Elena A. Formales, Gloria P. Estrella at Daisy Lu L. Conquilla ay tig-P10,000.

vuukle comment

ANGEL V

ARMAN BUCANES

CASINO FILIPINO

DAISY LU L

E-GAMES

ELENA A

EMILY BUGANTE

GLORIA P

GRAND TEXT MILYONARYO

JOCELYN ORTEGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with