^

Bansa

P30-M libel resbak ni Erap kay Joelle

-
Nakatakdang sampahan ng P30 million libel suit ni dating Pangulong Estrada ang dating beauty queen na si Joelle Pelaez, ang ina nitong si Blanquita at ang publisher, editor at reporter na naglabas ng balita hinggil sa umano’y P2.7 bilyong money laundering activity ng dating lider.

Sinabi ni Estrada na gusto niyang personal na isampa ang reklamo sa Manila Prosecutor’s Office kaya inatasan na nito ang kanyang mga abogado na maghain ng mosyon sa Sandiganbayan upang payagan siyang makalabas sa kanyang kulungan sa Tanay, Rizal.

Maliban sa libel, kakasuhan din ang batang Pelaez ng malicious prosecution dahil sa walang basehang mga akusasyon.

Malaki naman ang paniniwala ni Estrada na ginagamit lamang ng ilang pulitiko si Joelle para sirain ang kanyang kredibilidad. (Angie dela Cruz/Edwin Balasa)

vuukle comment

ANGIE

BLANQUITA

CRUZ

EDWIN BALASA

JOELLE

JOELLE PELAEZ

MALAKI

MALIBAN

MANILA PROSECUTOR

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with