Pagbuwag sa Marines tsismis lang solon
July 8, 2006 | 12:00am
"Tsismis lang."
Ganito inilarawan ni House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles ang napaulat na plano umano ng pamahalaan na buwagin na ang Philippine Marines dahil umano sa sakit ng ulo ito matapos na masangkot sa bigong kudeta ang ilang opisyal at kasapi nito.
Sa pahayag ni Cerilles, nais lamang ng lumabas na balita na wasakin ang moral ng mga kagawad ng Armed Forces of the Philippines upang maging madali para sa mga ambisyosong pulitiko na pasukin at maimpluwensiyahan ang nasabing unit sa loob ng sandatahang lakas.
Ayon pa kay Cerilles, malayo sa katotohanan ang balita dahil hindi magagawa ng pamahalaan na buwagin ang pinaka-disiplinado at propesyunal na organisasyon sa loob ng AFP. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest