Gen. Lomibao puwede nang mag-asawa
July 6, 2006 | 12:00am
Ngayong nagretiro na bilang PNP chief si Gen. Arturo Lomibao, ay pinayuhan ito ni Pangulong Arroyo na mag-asawa na.
"Para sayo Art Lomibao, who has made so many personal sacrifice to do an excellent job, my congratulations and God speed and maybe now you can get married," pahayag ng Pangulo matapos nitong isalin ang puwesto kay bagong PNP Chief Deputy Director General Oscar Calderon sa turn-over ceremony sa Camp Crame kahapon.
Nabatid na si Lomibao ay matagal ng biyudo matapos magkaroon ng karamdaman ang unang asawa nito. Dalawa ang kanilang naging anak, sina Lonanda at Chase Arthur.
Sa kasalukuyan ayon sa mga staff ni Lomibao ay nagpaplano na itong magpakasal sa kaniyang girlfriend na si Triccie Cantero, dating media specialist ni dating PNP Chief ret. Director Gen.Hermogenes Ebdane.
"Yun naman talaga ang plano, masyado lang talagang naging busy si Sir eh, mahirap ang trabaho ng PNP Chief, pero ngayong retired na siya hopefully ay puwede na siyang magpakasal uli," ayon sa isang staff nito na tumangging magpabanggit ng pangalan.
Sa panayam, sinabi naman ni Lomibao na pakiramdam niya ay naging malaya na siya sa responsibilidad sa pamumuno sa PNP sa kaniyang pagreretiro kung saan ay plano nitong magbakasyon muna ng mga isang linggo sa Boracay.
"I feel free because of course, I can wake up (at) the time I want to, I can now manage my time, there will be no schedule to follow," ani Lomibao.
Nang hingan naman ng komento sa pahayag ni Pangulong Arroyo na puwede na siyang mag-asawa, sinabi ni Lomibao na mangyayari ito ng mas maaga kaysa inaasahan dahil haharapin na niya ang kanyang buhay pag-ibig.
"I dont know when it is going to be held but it will come hopefully, maybe sooner than expected, how soon, I do not know," sabi pa ni Lomibao na nagsilbi sa PNP ng 16 buwan. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended