^

Bansa

Libel vs ex-beauty queen ipinoporma ni Erap

-
Nakatakdang maghain ng kasong libelo si dating Pangulong Estrada laban sa isang dating beauty queen dahil sa alegasyon ng huli na panggagamit umano sa pangalan nito upang makapangulimbat ng bilyong halaga ng "nakaw na yaman".

Ayon kay Estrada, matinding akusasyon ang ibinabato sa kanya ni Joelle Marie Palaez kaya kasong libelo ang itatapat niya rito.

Sinabi ni Erap na 5-taon na siyang nakapiit at tapos na rin siyang makapagbigay ng testimonya sa Sandiganbayan hinggil sa kinakaharap na kasong plunder kaya bakit ngayon lamang lumulutang si Pelaez.

Itinanggi ni Erap na niligawan niya si Pelaez at sinasabing si Ilocos Gov’t Chavit Singson ang talagang may kursunada dito. Taliwas naman ito sa pahayag ng beauty queen.

Naniniwala si Erap na si Gov. Singson ang posibleng nasa likod ng paglantad ni Pelaez upang siya ay idiin.

Ani Pelaez, natuklasan lamang niya na ginagamit ang kanyang pangalan ng mabigo siyang makakuha ng loan sa bangko at nang simulang i-foreclose ng United Coconut Planters Bank (UPCB) ang kanyang mga assets.

Dahil dito, nagsampa ng P500 milyong lawsuit si Pelaez laban kina San Miguel Corp. President Ramon Ang; dating UPCB bank president Lorenzo Tan, UCPB chief executive Jeronimo Kilayko at vice presidents Alfredo Bautista at Rafael Bueno Jr.; at umano’y cronies ni Estrada na sina Jaime Dichavez, Jimmy Borromeo at Robert Sobprepeña. (Ellen Fernando)

ALFREDO BAUTISTA

ANI PELAEZ

CHAVIT SINGSON

ELLEN FERNANDO

ERAP

ILOCOS GOV

JAIME DICHAVEZ

JERONIMO KILAYKO

JIMMY BORROMEO

PELAEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with