Comelec aapela sa Ombudsman
July 4, 2006 | 12:00am
Magsasampa ng motion for reconsideration ang Commission on Elections (Comelec) sa Ombudsman kaugnay sa naging desisyon nito ukol sa bidding sa Mega Pacific consortium.
Ayon kay Comelec chairman Benjamin Abalos, wala silang nakikitang pagkakamali sa naging transaksyon ng Comelec at Mega Pacific dahil dumaan ito sa bidding at ang nanalo ang may kakayahang mag-suplay ng Automated Counting Machines.
Pinanindigan din ni Abalos na walang katiwalian sa nangyaring bidding na pinamunuan ni Commissioner Resureccion Borra gayundin sa nasabing transaksyon.
Hindi din nangangamba si Abalos sa gagawing imbestigasyon ng Ombudsman mula sa mga reklamo ng natalong kumpanya sa nasabing bidding.
Magugunita na ipinasisibak ng Ombudsman si Com. Borra at iba pang opisyal ng Comelec dahil sa umanoy anomalya sa nasabing transaksyon sa Mega Pacific. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended